Inaprubahang memorandum circular na nagtataguyod ng PEDP 2023-2028, suportado ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry o DTI ang buong suporta at pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa pagpapatupad ng Philippine Export Development Plan 2023-2028

Ito’y makaraang ilabas kamakailan ang isang Memorandum Circular noong Hunyo 20 na nag-aatas sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tukuyin at ipatupad ang mga programa, aktibidad gayundin ng mga proyekto na sususporta rito.

Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, kaisa sila ng mga exporter upang gawing whole-of-government ang approach sa pag-aalok ng mga produktong Pinoy sa pandaigdigang merkado.

Sa pamamagitan aniya nito, tiyak na maitataguyod ang kapakanan ng mga exporter sa paghahatid ng ipinagmamalaking mga produktong Pilipino na makatutulong upang mapalakas pang lalo ang ekonomiya.

Dagdag pa ni Pascual, sa pamamagitan din ng Philippine Export Development Plan 2023-2028, mapalalakas din nito ang labor force lalo’t tiyak na darami rin ang mga malilikhang dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us