Maaari nang maiakyat sa lamesa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na magtataas sa disability pension ng mga beterano.
Bago tuluyang magtapos ang sesyon ng Kamara ay niratipikahan ng kapulungan ang napagkasunduang bersyon ng House Bill 7939 at Senate Bill 1480.
Mula sa P1,000 hanggang P1,700 na kasalukuyang disability pension ay itataas na ito ng P4,500 hanggang P10,000.
Magiging P1,000 na rin ang pension na matatanggap kada buwan ng mga asawa o anak na menor de edad ng isang beterano.
Ang mga beterano naman na walang service-connected disability ay bibigyan ng P1,700 na monthly pension oras na tumuntong sa edad na ika-70. | ulat ni Kathleen Forbes