India, nanawagan sa China na sundin ang 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang bansang India sa China na sundin ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito ay matapos ang naging 5th India-Philippines Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi, India kung saan parehong co-chair sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indian External Minister Dr. S. Jaishankar.

Sa Joint Statement, binigyang diin ng dalawang bansa ang parehong interes nito sa pagkakaroon ng bukas at inclusive na Indo-Pacific Region.

Binigyang diin din ng dalawang bansa na kinakailangang magkaroon ng mapayapang resolusyon at sundin ang international law.

Nag-alok na rin ang India sa Pilipinas ng Concessional Line of Credit upang tugunan ang defense requirements nito.

Noong 2016 nang maipanalo ng Pilipinas ang kaso nito sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague kung saan ibinasura nito ang nine-dash claim ng China sa South China Sea. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us