Indian Embassy, ipinagdiwang ang ika-9 na taon ng International Day of Yoga sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Embahada ng India sa Pilipinas ang International Yoga Day kung saan aabot sa 200 mga kalahok mula sa mga yoga community ang nagpunta sa Music Hall ng SM Mall of Asia ngayong umaga.

Ang tema ng pagdiriwang ng International Day of Yoga ngayong taon ay “Yoga for Vasudhaiva Kutumbakam”, na ibig sabihin ay “Yoga for the World is One Family”.

Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambu Kumaran, nagiging mas popular na ang Yoga sa Pilipinas bilang isang mabisang pagsasanay para sa well-being at pang-iwas sa mga sakit.

Ilang Pilipinong Yoga practitioners na rin ang bumisita sa India para magsanay at ilan sa kanila ay mga certified yoga teachers na rin sa India.

Noong 2014 nang ideklara ng United Nations General Assembly ang June 21 bilang International Yoga Day.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us