Inilabas na babala ng FDA sa ilang klase ng lato-lato, pinuri ng Ban Toxics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa toxic watchdog group na BAN Toxics ang pag-iisyu ng Food and Drug Administration (FDA) ng ilang Public Health Warning laban sa pagbili at paggamit ng ilang laruang pambata na “lato-lato” na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Sa abiso ng FDA, tinukoy nito ang unlabeled green lato-lato, pro-clackers (lato-lato) na may ilaw at lato-lato na ibinebenta sa isang online shopping platform (Lato-lato toys with handle glow in the dark, latto-latto toy-toy, tok-tok old school toy, etek toy lato-lato makasar) na walang certificate of product notification.

Dahil dito, hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng naturang laruan lalo na sa mga bata.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, tama ang desisyon ng FDA na mag-isyu ng public health warning dahil mapipigilan nito ang ilang potential safety concerns nito para sa mga bata kabilang ang
choking, eye-injury, at strangulation.

Kasunod nito, hinikayat ng grupo ang regulatory agencies, kabilang na ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang advisories at kumpiskahin ang mga unnotified at unregistered lato-lato toys.

Umapela rin ito sa mga nagtitinda ng laruan na itigil na ang pagbebenta ng unauthorized lato-lato toys lalo sa mga kabataan.

Una na ring nagbabala sa publiko ang BAN Toxics sa pagbili ng laruang pambata na “lato-lato” dahil sa karamihan sa mga ito ay walang tamang labelling at cautionary statement na paglabag sa Republic Act 10620 o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us