Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng commemorative coins para sa ika-125th Anniversary ng Philippine Independence at Nationhood (APIN) sa Malacañang (June 5).
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang coin set na may denominasyong P100, P20, P5 kung saan tampok ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas, pagiging republika ng bansa, at mga matatapang na Pilipino na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas ay hindi lamang isang souvenir bagkus ay isang komemorasyon ng pagkakatatag sa Republika ng Pilipinas.
“Ang that’s why we have to see it not just as a very, very nice souvenir but really a commemoration of the creation of the Republic of the Philippines.” — Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, angkop lamang na ginamitan ng makabagong teknolohiya ang mga barya na ito kung saan mayroon na itong kulay na asul at pula, kasabay ng pagbabago sa anggulo ng mga larawan.
Ayon pa sa Pangulo, ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay nangangahulugan lamang na nasa kasagsagan na ng development ang Pilipinas, at sumasalamin lamang ito na malayo na ang narating ng bansa makalipas ang 125 taon.
“It just doesn’t mean that it is the 125th anniversary of the Independence Day but it also reminds us how far we have gone and the significant of what we have achieved in 125 years.” — Pangulong Marcos
Iaanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang social media platform kung kailan magiging available ang coin set, upang mabili ng publiko sa BSP store. | ulat ni Racquel Bayan