Inklusibong komunidad para sa LGBTQIA+, aktibong isinusulong sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Quezon City local government ang aktibong pagsusulong nito ng pantay at inklusibong komunidad para sa mga miyembro ng LGBTQIA+.

Ibinahagi ito ni QC Mayor Joy Belmonte sa isinagawang “Economic Impact of Exclusion Based on SOGIESC* and the Promotion of Inclusion” webinar ng Asian Development Bank Institute.

Ayon sa alkalde, ibat ibang programa at inisyatibo ang ipinatutupad sa QC para sa mga LGBTQIA+ kabilang ang Gender Fair Ordinance kung saan isinusulong ang malayang pagpapahayag ng pagkatao maging ng isang mag-aaral.

Bumuo na rin ng Strategic Action Plan for 2023-2028 ang Quezon City Pride Council na nagse-set ng target at layunin para sa komunidad.

Taon-taon ding nagsasagawa ang lungsod ng commitment ceremony para sa LGBTQIA+ couples.

Habang sinisiguro rin ng QC ang kaligtasan at kapakanan ng mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga pasilidad na poprotekta sa kanila mula sa gender-based violence, tulad ng QC Protection Center at Bahay Kanlungan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us