Nag-courtesy call si Vice President Sara Duterte sa Minister of Education ng Brunei Darussalam ngayong araw.
Ayon kay VP Sara, natalakay sa kanyang pakikipagpulong kay Minister Dr. Romaizah Mohd Salleh ang mga naging obserbasyon sa pagbisita sa isang primary school, international school at SEAMEO VOCTECH Regional Center.
Humanga rin ang pangalawang pangulo sa integration ng teknolohiya sa curriculum ng Brunei.
Gayundin ang innovation na ipinatutupad upang matiyak na ang mga mag-aaral ay may kakayahan at kasanayan sa pagbasa, pagsulat at pakikipag-usap.
Ipinaabot naman ni VP Sara sa opisyal ang pasasalamat sa Brunei government, sa mainit na pagtanggap at pagtulong sa buong delegasyon para sa matagumpay na pagbisita at pagdaraos ng 125th Independence Day celebration. | ulat ni Hajji Kaamiño