Inimbitahan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang Swedish multinational conglomerate na IKEA na samahan ang ibang brand owners na lumagda bilang pagsuporta sa Memorandum of Understanding na bubuo ng code of practice sa laban kontra peke at pirated goods sa internet.
Pinasinayaan ng Digital Phililippines e-Commerce Division ang pulong kasama ang IPOPHL nang lapitan ng IKEA ang DTI upang humingi ng tulong sa pamahalaan matapos maglipana ang mga pekeng IKEA website.
Ayon sa IKEA, laganap ang mga scam website na gumagamit ng logo at patuloy na nangongolekta ng pera mula sa mga Pilipinong konsumer.
Dagdag pa ng kumpanya, nasa 700 ang nabibiktima ng mga nasabing website kung saan tinatayang nasa P2,000 kada transaksyon ang nalilimas mula sa pumupunta sa pekeng website. | ulat ni Gab Humilde Villegas