Nilagdaan na ngayon ang Implementing Rules and Regulations ng RA 11908 o ang Parent Effectiveness Service (PES) Program Act.
Pinangunahan ni DSWD Sec. Rec Gatchalian ang ceremonial signing ng IRR kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng DILG, DOJ, DOH, ECCD Council at DEPED.
Isinusulong nito ang pagpapatatag sa pakikilahok ng mga magulang, at parent-substitutes sa pagtataguyod nito ng early childhood development at edukasyon ng kanilang mga anak.
Layon din nitong masugpo ang child abuse, at masigurong ang kabuuang pag-unlad at seguridad ng bawat bata sa bansa.
Sa ilalim ng IRR, pangungunahan ng DSWD ang development ng Parent Effectiveness Service (PES) Program at pagbibigay ng technical assistance sa mga field office at mga LGU sa pagpapatupad nito.
Ang DEPED naman ay minamandatong mag-integrate ng age-appropriate content na may kaugnayan sa PES Program habang ang DOJ ang magtitiyak na nabibigyan ng sapat na legal protection ang mga kabataan.
Ang PES Program ay ipapatupad sa bawat lungsod at munisipalidad sa pamamagitan ng kanilang social welfare and development offices at government units.
Binigyang diin naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang kahalagahan ng Parent Effectiveness Service (PES) Program Act para magabayan ang mga magulang at parent-substitutes upang mas magampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak.
Kasunod nito, tinatarget ng DSWD na makapaglabas na ng parenting modules sa loob ng 90 araw na ipapamahagi sa iba’t ibang LGU sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa