Nag-alok ang Israel sa Pilipinas ng kanilang kasanayan pagdating sa water reuse.
Ang alok ay ginawa ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen sa kanilang naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Cohen, malawak ang kanilang karanasan kung pag-uusapan ay water management na maaari nilang maibahagi sa bansa.
Sinabi ng Israeli Foreign minister na 60 porsiyento ng kanilang lupain ay pawang disyerto subalit nagagawa nilang masustine ang pangangailangan sa tubig dahil na rin sa kanilang expertise sa water management.
Kasama sa alok ni Cohen ang pagpapadala ng Israeli expert para siya nang bumisita sa bansa para sa kaukulang advice.
Welcome naman ito kay Pangulong Marcos sa gitna ng pagiging bukas aniya ng pamahalaan na makakuha ng best practices sa larangan ng water management mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Israel.
📸: Office of the President