Sa pamununo ng lokal na pamahalaan ng Legazpi at sa suporta ng Department of Labor and Employment Region V (DOLE-5) ay matagumpay na naisagawa ang 2023 Kalayaan Job Fair sa SM Legazpi ngayon June 12.
Ang naturang event ay nilahukan ng 57 lokal na kumpanya, 8 overseas agencies at 15 government agencies. Mayroong kabuuhang 4373 na bakanteng posisyon mula sa mga pribadong kumpanya at 9788+ posisyon naman na bakante para sa overseas.
Ayon kay Public Employment Service Office Manager Diosdado Raneses, malaking tulong ang presensya ng mga lokal na ahensya sa naturang job fair sa pagpapabilis sa proseso ng aplikasyon at pagbibigay gabay sa mga aplikante.
Nakilahok din ang TESDA sa naturang okasyon. Ang ahensya ay naimbitahan para punan ang mga kinakailangang training at certificate courses at masolusyunan ang mga isyu ukol sa job mismatch.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay