Dinagsa ang pagbubukas ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ Dagupan City Farmer´s Day Caravan sa lungsod ng Dagaupan, Pangasinan ngayong araw, ika-17 ng Hunyo, 2023 sa isang mall sa nasabing lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Belen T. Fernandez at Manlingkor ya Kalangweran ang nasabing Caravan kung saan makakabili ng iba’t ibang mura at sariwang mga produkto.
Ayon sa alkalde ay malaking tulong ang nasabing caravan sa mga lokal na mangingisda, magsasaka at mga Micro Small and Medium Enterprises at bilang susporta na rin sa programang ‘Kadiwa ng Pangulo’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ilan sa mga produktong mabibili sa nasabing caravan ang mga certified bangus products, agricultural produce, at mga produktong lokal mula sa iba´t ibang bayan ng Pangasinan. Ang nasabing Caravan ay bahagi ng ika-75 Diamond Anniversary ng pagiging lungsod ng Dagupan. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan