Kadiwa store, muling nagbukas sa Brgy. Greater Lagro, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang tinangkilik ng mga residente ng Brgy. Greater Lagro ang muling pagbubukas ng Kadiwa pop-up store sa kanilang barangay.

Ito na ang ikalawang beses na nagbukas ang Kadiwa pop-up store sa lugar sa pakikipagtulungan na rin ng QC LGU at ng barangay.

Kabilang sa mabenta rito ang iba’t ibang highland at lowland vegetables mula Nieva Vizcaya gaya ng repolyo na ₱50 ang kada kilo, patatas na mabibili sa ₱80 kada kilo, sayote na ₱40 kada kilo, baguio beans na ₱85 kada kilo, ampalaya ₱60 kada kilo, talong ₱50 kada kilo at upo na ₱25 kada kilo.

Sinulit din ng mga mamimili ang bentahan ng itlog, prutas, at pati na isda na gaya ng tilapia na ₱140 kada kilo, Bangus na mabibili sa ₱180 kada kilo at galunggong na ₱170 ang kada kilo.

Bukas ang naturang Kadiwa pop-up store hanggang mamayang tanghali.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us