Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang pamahalaan sakaling lumala pa ang sitwasyon ng bulkang Mayon, kasunod ng pag-aakyat nito sa Alert Level 3.
“I hope it doesn’t happen but, unfortunately, the science tells us na parang ganoon na nga ang mangyayari. Kasi yung the lid, o the cap, on top of the lava is slowly rising– not-so-slowly rising at baka puputok nga. Kaya nakaabang tayo nang husto.” —Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo, mahigpit na tinututukan ng pamahalaan ang pinakahuling galaw ng bulkang Mayon.
Sinisiguro aniya ng gobyerno na ang mga komunidad na maaapektuhan sakaling pumutok ang bulkan ay nailikas na at nabibigyan ng angkop na assistance, hanggang maaari nang makabalik muli sa kanilang bahay ang mga nagsilikas.
“Naka-ready naman na tayo. Ganoon naman talaga ang ating ginagawa. We watch it very, very closely. Make sure that any of the communities that could be affected are evacuated and are given assistance while they are evacuated until the time that they can return to their homes. It’s the same thing.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na nakabantay rin ang pamahalaan sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Taal.
“‘Yung Taal, the problem is the release of the gas. May toxic gas na medyo naramdaman na ng mga ibang taga-doon. The DOH are looking after those people. We know where the wind is blowing kaya alam na natin kung saan dadaan yung mga toxic na gasses kaya paiiwasin na natin yung mga tao na nakatira doon sa area na yun.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan