Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalakas pa ang ekonomiya, kalakalan, at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at China, ngayong umiiral na rin ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa bansa.
Ayon sa pangulo, malinaw na sa ilalim ng RCEP, lalaki ang volume ng mga produktong pangkalakaalan sa pagitan ng ASEAN members at ng limang bansa na kabalikat nito.
Dahil dito, hindi lamang aniya bansa sa linya ng agrikultura yayabong ang kooperasyon o trade sa pagitan ng China at Pilipinas.
“I think again since the RCEP has taken effect it’s clear that the volumes should increase and so we, again I am very optimistic that the trade between our two countries, China and the Philippines, not only in agriculture but in other aspects as well, I cannot see it lessening, I can also see it growing.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang RCEP ay isang kasunduan, para sa isang mas malayang kalakalan, kung saan mababa o walang binabayarang taripa para sa page-export ng mga produkto. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO