Kalayaan Job Fair sa Davao City nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang isinasagawang Kalayaan Job Fair sa dito sa SM SM City Davao Annex Event Center sa Davao City.

Sa update mula sa Department of Labor & Employment (DOLE) XI as of 1pm, umabot na sa 37 ang hired on the spot at 15 ang ‘near hire applicants’, ito ang job seekers na kinokonsiderang hired subalit kinakaikangan pang magsubmit ng karagdagang requirement.

Samantala, pinakamaraming na-hire na aplikante ang para sa mga trabahong service crew, sales associates at store clerks.

Mayroon ding mga persons with disability (PWDs) applicants kanina kung saan nais nilang mag-apply bilang service crew.

Ayon naman kay Atty. Randolph Pensoy, ang Regional Director ng DOLE XI, hinikayat nila ang mga employers na lumahok sa job fair na maglaan ng kahit isang porsyento para sa PWD na empleyado sa kanilang kumpanya.

Magtatapos naman ang Kalayaan Job fair sa SM City Davao Annex Event Center ngayong alas-5:00 ng hapon habang magsasagawa naman ng Kalayaan Job Fair bukas sa Carmen Municipal Gym sa bayan ng Carmen sa Davao del Norte, June 14 sa University of Mindanao Panabo City at June 15 sa University of Sputheastern Philippines sa Tagum City, Davao del Norte. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us