Kalayaan mula sa gastos sa serbisyong medikal, pangarap ng isang mambabatas sa mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa paggunitang Araw ng Kalayaan, ay hinimok ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang Kongreso na palayain rin ang mga Pilipino mula sa malaking gastos sa healthcare services.

“Today we are celebrating our independence and this should inspire us lawmakers to craft laws that would free Filipinos from out-of-pocket medical expenses,” saad ng mambabatas

Kasunod ito ng pag-aaral na inilabas ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) kung saan marami pa ring mga Pilipino ang kailangan maglabas ng pera kahit pa miyembro na ng Philhealth at umiiral sa Universal Health Care Law.

Sa December 2022 research, karamihan sa mga nakatatanda, kababaihan, at mga mahihirap at Pilipinong nasa kanayunan ang gumagastos pa rin sa pagpapagamot dahil 40% lang ang sagot ng insurance program.

Kaya naman kaniya aniyang isusulong ang dagdag na buwis sa matatamis na inumin para sa dagdag na pondo ng UHC.

“I for one will continue to push for additional taxes for sugar sweetened beverages not only to help fund UHC but also to promote healthier lifestyle among Filipinos,” ani Reyes.

Ilalapit din aniya ng AnaKalusugan ang iba pang health service sa mga komunidad.

Halimbawa nito ang ginawa nilang vaccination drive sa Batangas kung saan nakatanggap ng Pneumonia vaccines ang may 1,000 benepisyaryo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us