Kamara, abala sa paghahanda para sa SONA at budget deliberations — Majority Leader Dalipe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatiling nakatuon ang atensyon ng House of Representatives sa mas mahahalagang bagay gaya ng paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, at magiging direksyon ng second regular session ng Kongreso kaysa sa politika.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe.

Aniya, hindi maaaring magpa-distract sa usaping politika ang kapulungan dahil makakabalam lang ito sa pagtupad nila sa kanilang mandato.

Diin nito, mas bibigyang importansya ng liderato ng Kamara ang pagpasa sa mga priority measure ng Marcos Jr. administration.

Tulad sa first regular session ng 19th Congress kung saan 33 sa 42 LEDAC priority bills ng pamahalaan ang kanilang napagtibay ay mas uunahin nila ang mga panukalang batas na tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“The House of Representatives will not be slowed down by premature partisanship. All these political rumblings are unnecessary distractions that will only break our momentum in ensuring the swift passage of President Marcos’ priority measures and those that were approved by LEDAC. We have a commitment to the Filipino people that we will do even better on this second regular session,” ani Dalipe.

Wala na rin aniyang panahon ang Mababang Kapulungan sa political partisanship, dahil maliban sa SONA ay pinaghahandaan na rin aniya nila ang pagbusisi sa isusumiteng 2024 proposed National Expenditure Program ng Malacañang.

“Right now, the House is in the thick of preparations for President Marcos’ second State of the Nation Address as we also prepare to receive from Malacanang next year’s proposed National Expenditure Program. Our hands are full in the House of Representatives so we cannot afford to squander our time on useless partisan bickering,” pagtatapos ng Majority leader. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us