Inaasahan na ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na madaragdagan ang mga panukalang batas na patututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lehislatura.
Ayon sa mambabatas, tiyak na sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM ay maglalatag muli ito ng iba pang priority legislative measures ng kaniyang administrasyon.
Katunayan dahil aniya sa maganda at pinatibay na relasyon ng Kongreso at Ehekutibo ay posibleng nabanggit na ng Pangulong Marcos Jr. kay House Speaker Martin Romualdez ang ilan sa mga ito.
“With President Marcos about to deliver his second State of the Nation Address (SONA) next month, I expect the Speaker to already know whether or not more priority measures will be announced by the Chief Executive. I would even bet the Speaker is already paving the way for meaningful discussions on these measures, even during this congressional break,” saad ni Co.
Kumpiyansa naman si Co na mabilis lang itong aaksyunan ng Kamara dahil na rin sa ‘unity at synergy’ sa pagitan ng dalawang lider ng dalawang sangay ng gobyerno.
“This cooperation, unity, and synergy between our two of our top leaders is the best asset of this current administration. No question about it. The House members who are true to this cause won’t let any political noise derail the remarkable synergy that the legislature and executive currently have.” dagdag ng mambabatas.
Katunayan sa first regular session ng 19th Congress umabot ng 577 na panukalang batas ang napagtibay ng Kamara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes