Pinaigting pa ng Quezon City Health Department ang kanilang kampanya laban sa dengue ngayong panahon na ng tag-ulan.
Kasabay nito ang apela sa publiko, na magkaisa at ipatupad ang 4’s laban sa dengue. Ito ay ang Search and Destroy, Seek Early Consultation, Self-Protection at Support Fogging in Outbreak Areas.
Sa pagdiriwang ng Dengue Awareness Month ngayong buwan ng Hunyo, nagsagawa ng sabayang clean-up drive ang iba’t ibang barangay ng lungsod.
Kabuuang 96 na barangay ang nakilahok sa kampanyang ito ng pamahalaang lungsod.
Batay sa datos mula Enero hanggang nitong Hunyo, umabot na sa 1,006 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City.
Tumaas ito ng 84.59% o 458 dengue cases kumpara noong 2022.
Ang District 4 ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso, na umabot sa 227 cases at District 2 naman ang pinakamababa na may 111 na kaso. | ulat ni Rey Ferrer