Katapusan ng insurhensya sa Eastern Visayas, nakikita ng militar bago matapos ang taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang militar na mawawakasan na ang insurhensya sa Eastern Visayas bago matapos ang taon.

Ang pahayag ay ginawa ni 8th Infantry “Stormtroopers” Division Commander Major General Camilo Ligayo sa regular na pulong balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged Reloaded: Debunking The Lies By Telling the Truth” kahapon.

Ayon kay Maj. Gen. Ligayo, nagtutulungan ang militar at NTF-ELCAC para mabuwag ang dalawang nalalabing New People’s Army (NPA) guerilla front sa area of operations ng 8th ID, na sakop ang Samar, Leyte at Biliran.

Sinabi ni Ligayo na sa pagtatapos ng ikatlong quarter ng taon, “downgraded” na ang isa sa mga guerilla front na ito sa “weakened status”.

Sa ngayon aniya ay wala nang matatakbuhan ang mga nalalabing pwersa ng NPA sa kanilang area of operations dahil wala nang mga komunidad na tumatanggap sa kanila, at wala silang mapagtaguan kundi sa kabundukan para matakasan ang intensified military operations. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us