Katatagan ng mga itinatayong imprastraktura, pinatitiyak ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways ang katatagan ng bawat istrakturang itinatayo sa bansa.

Sa talumpati ng Punong Ehekutibo sa ika-125 anibersaryo ng DPWH, inihayag nito na mahalagang masiguro ang “dependability” o pagiging matibay ng mga itinatayong structure.

Pinunto ng pangulo na ang resulta ng anmang desisyon na pinagpasyahan ngayon ay may kinalaman sa pagtatayo at bibilang pa ng ilang mga panahon.

Kaya importante sabi ng pangulo na masigurong maging maayos at matibay ang disenyo ng mga naitatayong istraktura sa bansa at makakayanan nito ang mga pisikal na hamon na maaaring dumating.

Kasabay nito ay tiniyak din ng Pangulo na ‘committed’ ang kanyang administrasyon na tapusin ‘on-time’ ang mga nakalinyang proyekto sa ilalim ng kanyang termino.

Dapat aniyang masigurong naipatutupad ang streamlining sa mga procedure at gawing moderno ang byurukrasya. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us