Kauna-unahang molecular diagnostic laboratory, pormal na binuksan ng IPHO Tawi-Tawi sa Basulta area

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na binuksan ng Integrated Provincial Health Office ng Tawi-Tawi sa tulong ng International Organization for Migration (IOM) at Korean International Cooperation Agency ang kauna-Unahang Molecular Diagnostic Laboratory for COVID-19 sa buong BARMM region.

Ang handover ceremony ng nasabing laboratory ay ginanap sa IPHO Ground at dinaluhan ni Madam Erina Yamashita, Project Development Officer ng IOM, Board Member Abduljamil Ismael ng Provincial Government ng Tawi-Tawi at Dr.Tato Usman ng BARMM Minister of Health.

Pagkatapos ng Handover, kaagad ding ginanap ang ribbon cutting ceremony ng nasabing diagnostic laboratory na syang pinangungunahan ni Dr. Sangkula G. Laja.

Ayon kay Laja ang nasabing laboratory ay gagamitin hindi lamang para sa COVID-19 bagkus ito ay gagamitin din para sa diagnosis ng mga pasyente na may sakit na tubercolosis at HIV-AIDS diseases. | ulat ni Sharon Jamasali | RP1 Tawi-Tawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us