Kasalukuyang idinaraos ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang Knowledge Sharing Webinar kasama ng Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT).
Layunin ng bike sharing webinar na magkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon patungkol sa mga plano, programa, at kasalukuyang mga proyekto ng gobyerno para sa tuloy-tuloy na pagpapalawak ng mga active transport networks sa ating bansa.
Ang Knowledge Sharing Webinar na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng ahensya para sa mas malawak at maigting na information education campaign para sa Active Transport Program ng gobyerno, alinsunod na rin sa Philippine Development Plan 2023-2028— kung saan binibigyang prayoridad sa kalsada ang active transport users, na kinabibilangan ng mga siklista at pedestrians.
Ilang local government units (LGU) na nanalo noong nakaraang National Bike Day Bike Lane Awards 2022 ang nagbahagi ng kanilang karansan sa pagtatatag ng bike lane gaya ng lloilo City government.
Target nf DOTr na makapaglatag ng 2,400 kilometers ng bike lane network sa buing bansa hanggang 2028.
“For the past three years, we have established a total of 564 kilometers of bike lanes in Metro Manila, Metro Cebu, and Metro Davao, and we aim to increase our established bike lanes to 2,400 kilometers by the year 2028,” saad ni DOTr Active Transport Program Management Office (PMO) Policy Lead Patrick Santos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes