Kongresista, pinaiimbestigahan ang pabigas sa mga public school teacher na umano’y bulok na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiyasat ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ibinigay na bigas sa mga public school teacher na aniya’y bulok at hindi na makain.

Nakatanggap aniya sila ng reklamo mula sa ilang mga guro sa Nueva Ecija, Mindoro, Bacolod City at Zamboanga del Norte na ang natanggap na rice allowance ay manilaw-nilaw na, may amoy at may iba na binubukbok na rin.

Nalulungkot ang kinatawan na delayed na nga ang pamamahagi ng bigas ay hindi rin naman ito mapapakinabangan.

Sayang din aniya ang pondo ng pamahalaan na ginamit pambili nito.

Kaya apela ni Castro na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso sa kung ano ang nangyari bakit nauwi sa ganitong kalidad ang bigas at mai-release na rin ang nalalabi pang rice allowance na nakabinbin.

“…Sa ganitong kalagayan ay dapat na kagyat na imbestigahan ito ng Kongreso pero dapat din na maibigay na ang rice assistance at tiyakin na angkop ang kalidad nito.” ani Castro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us