Kontribusyon ng Bases Conversion and Development Authority sa AFP, umabot sa ₱3.31-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagbigay ng kontribusyong aabot sa ₱3.31-bilyong piso ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa taong ito.

Ayon kay BCDA Acting President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang, sinisiguro nila na ang AFP ang nakakakuha ng pinakamalaking bahagi ng “disposition income” o kita mula sa pagbebenta, pagpapa-arkila, at joint venture agreement ng mga lupain ng militar.

Ang naturang kita ng BCDA ay inire-remit sa Bureau of Treasury para ilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa AFP at iba pang mga benepisyaryong ahensya.

Ang kontribusyon sa AFP ngayong taon ay mababa ng 54 na porsyento mula sa ₱7.21-bilyong piso noong nakaraang taon.

Paliwanag ng BCDA, ito ay dahil sa pagkaantala ng pag-turn over sa developer ng bahagi ng Bonifacio South Pointe property dahil sa COVID-19 pandemic.

Mula nang itinatag ang BCDA noong 1992 ay nakapagbigay na ito sa AFP ng aabot sa ₱59.71-bilyong piso o 44.34 porsyento ng kabuuang ₱134.66-bilyong kinita ng ahensya hanggang sa katapusan ng 2022. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us