La Union, kauna-unahang lalawigan sa buong bansa na nagkamit ng tatlong ISO Standards Certifications

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagkamit ng tagumpay ang Provincial Government of La Union (PGLU).

Ang La Union ang kauna-unahang lalawigan sa bansa na nakapasa sa tatlong ISO Standards na siyang patunay sa magandang public administration services nito.

Pasado ang PGLU sa PS EN 9001:2015 QMS Second Surveilance Audit; BS EN ISO 14001:2015 Environmental Management System at ISO 45001:2018 Occupational Management System.

Iniabot ng mga auditors mula sa NQA Global Assurance ang tatlong sertipikasyon kay La Union Gov. Rafy Ortega-David.

Kasabay sa pagtanggap niya sa tatlong sertipikasion ay tiniyak ng gobernadora ang tuloy-tuloy na pagsasagawa sa mga ISO Standards sa La Union Provincial Capitol para sa mas magandang serbisyo-publiko.| ulat ni Glenda Jing| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us