Laban vs. fixers sa LTO, palalakasin ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalalakas ng Land Transportation Office (LTO) ang laban nito kontra fixers.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Hector Villacorta, isa sa mga una niyang ginawa bilang Officer in Charge ng tanggapan ay ang pag-iikot sa kanilang block sa East Avenue.

Base sa kanilang inisyal na assessment, nananatili ang presensya ng mga fixer sa bangketa kung saan nasa P2, 000 ang singilan para sa iligal na pagpapabilis ng kanilang proseso.

“Nag-incognito na ako kaninang umaga, first day umikot na ako dito sa block ng East Avenue, tinanong ko kung magkano ang ayusan doon sa mga fixer, ang sabi sa akin “2,000, sir.”— Villacorta

Mayroon na aniyang loud speakers sa kanto ng East Avenue laban sa pagtangkilik sa mga alok ng fixers.

Ayon sa opisyal, kakausapin niya ang frontliners ng kanilang tanggapan at ipupunto ang kanilang kampaniya kontra korapsyon. “I will have to meet with the frontliners mamaya and, to tell them that we are an honest to goodness campaign against corruption here.” — Villacorta | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us