Dinala na sa huling hantungan ang labi ni San Juan City Vice Mayor Warren Villa ngayong hapon sa San Juan Cemetery.
Bago ang libing, isinagawa ang necrological service sa San Juan City Hall na sinundan ng special prayer service.
Binuksan ang lugar para sa public viewing mula pa kahapon.
Namatay si Villa nitong June 18 sa edad na 52 dahil sa natural causes.
Matapos ang kanyang pagpanaw, idineklara ni Mayor Francis Zamora ang mga petsa ng June 19 hanggang 25 bilang “weeklong period of mourning”.
Una siyang naglingkod bilang bise alkalde ng San Juan noong 2016 at muling naluklok sa pwesto noong 2019 at 2022. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.