Lady solon, nanindigang hindi kailangan ng bansa ng MIF; pagpapatupad sa safeguards nito, babantayan ng mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagamat ikinatuwa ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakalagay ng mga mahahalagang safeguard sa Maharlika Investment Fund Bill, gaya ng pagprotekta sa pension at social welfare funds mula sa MIF at ang pagpapataw ng parusang kulong sa mga may masamang balak sa pondo, naninindigan pa rin ang senadora na hindi kinakailangan ng bansa ang MIF ngayon.

Susuportahan aniya ni Hontiveros ang anumang aksyon na iakyat at kwestyunin sa Korte Suprema ang naturang panukala.

Ipinunto ng senadora na alinsunod sa Section 16, Article XII ng 1987 constitution, lahat ng mga GOCC (government owned and controlled corporation) ay dapat pumasa sa test of economic viability.

Ilan na aniyang economic experts ang nagpahayag ng kanilang agam-agam kung nakapasa ba ang panukalang MIF sa test of economic viability.

Sinabi rin ni Hontiveros na hihintayin niya ang implementing rules and regulations (IRR) ng MIF sakaling maisabatas ito para matiyak na ang mga mailalagay safeguards ay maipapatupad.

Sa naipasang MIF bill sa senado na in-adopt ng kamara, nakapaloob ang probisyon tungkol sa absolute prohibition o ganap na pagbabawal na i-invest sa maharalika fund ang pension funds – mandatory man o voluntary. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us