Simula ngayon araw ay nasa P15 na lamang ang sisingilin ng Landbank of the Philippines sa depositors nito na gumagamit ng InstaPay para sa online fund transfer.
Ito ang inanunsiyo ng naturang bangko na pag-aari ng gobyerno, at itinuturing ngayon bilang isa sa pinakamalaking financial institutions sa bansa.
Sabi ng Landbank, ang pinababang charges sa online fund transfer ay bunsod na rin ng kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas para makatulong sa taumbayan.
Ngunit nananatiling libre naman ang online fund transfer kung ang pera ay ipapadala papunta sa Overseas Filipino Bank.
Bago pa ibaba sa P15, ang Landbank ay naniningil ng P25 sa naturang transaksyon kung saan ibinabawas ito sa remaining balance ng depositor. | ulat ni Michael Rogas