Dalawampu’t siyam na LGBTQ plus couples ang ikinasal ngayong araw, Hunyo 25 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
Ang grand mass wedding ay pang labing tatlo (13th) na sa Pilipinas at inorganisa ng Let God Be Thy Savior (LGBTS) Christian Church Inc.
Naniniwala ang LGBTS Christian Church na ang turo ng Banal na Bibliya tungkol sa LGBTQ+ na mga indibidwal ay na-misinterpret ng mainstream Christian Churches.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit itinatag ang LGBTS Christian Church mahigit isang dekada na ang nakalipas.| ulat ni Rey Ferrer