Listahan ng mga nakapasa sa DOST-SEI scholarship exam, inaasahang lalabas sa darating na Linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang lalabas sa darating na Linggo ang resulta ng mga nakapasa sa DOST-Science Education Institute (DOST-SEI) scholarship exam.

Ayon kay Peter Gerry Gavina, Chief Science Research Specialist ng Science and Technology Scholarship Division ng DOST-SEI, aabot sa 9,776 na mga nakapasa ang kanilang ilalabas; habang nasa 1,224 na mga kumuha ng pagsusulit ang kinakailangan pa nilang beripikahin.

Noong Marso, aabot sa 85,636 na mga incoming first year college students ang kumuha ng nasabing pagsusulit.

Ang mga benepisyong matatanggap ng makakapasa sa scholarship exam ay sagot ng DOST-SEI, tulad ng tuition fee at iba pang school fees tulad ng subsidy, monthly stipends, learning material o connectivity allowance, uniform allowance, transportation allowance, thesis allowance, at graduation allowance.

Mayroon ring makukuha na non-monetary benefits ang mga scholars sa ilalim ng Science and Technology Learning Assistance Program.

Makikita ang listahan ng mga nakapasa sa mga pahayagang Manila Bulletin at Tempo at sa kanilang website na www.sei.dost.gov.ph. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us