Nasa 5 loose firearms ang isinuko mula sa bayan ng Sibutu at Bongao, Tawi-Tawi sa commanding officer ng Marine Batallion Landing Team 12 na si Lt. Col Junnibert Tubo.
Ang mga nasabing loose firearms ay iprenesinta sa Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brig. Gen. Romeo Racadio, Provincial Administrator Mr. Mobin Gampal, opisyales ng lokal na pamahalaan ng Bongao sa Toong Hall 2nd Marine Brigade Headquarters, Sanga Sanga Bongao.
Samantala ang mga isinukong baril ay 1 caliber 357, 3 M1 grand rifles, at 1 M14 rifle.
Naroon din sa seremonya bilang saksi ang Provincial Director ng Philippine National Police, Ministry of Social Services and Development, (MSSD) at Ministry of Public Order and Safety (MPOS).
Ang mga may-ari ng isinukong baril ay tumanggap ng tig-isang sakong bigas at grocery items mula sa MSSD BARMM.
Pinuri naman ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Roy Galido ang Joint Task Force Tawi-Tawi sa kanilang natupad na gawain.
Patuloy ang implementasyon ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Programs sa lalawigan ng Tawi-Tawi upang hikayatin ang mga may ari ng baril na wala kaukulang papeles at lisensya na isuko ang mga ito. | ulat ni Laila Nami | RP1 Tawi-Tawi