Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alegasyong di pa nito nakokolekta ang P10-million na multa na ipinataw noon sa ride-hailing app na Grab.
Binabatikos ang LTFRB dahil masyado umanong maluwag sa Grab dahil sa kabila na limang taon na ang lumipas mula nang maging final and executory ang kautusan, hindi pa nakokolekta ng ahensya ang multa.
Una nang napaulat sa pahayagan ang mistulang pagkakanlong ng LTFRB sa Grab at kailangang umanong panagutin ang ahensya dahil rito.
Pero ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nakolekta na ang multa at maipapakita nila ang resibo nito.
Itinanggi rin ni Guadiz na malambot ang LTFRB sa Singapore-registered Grab.
Aniya, patas at mahigpit ang ahensya sa pagpapatupad ng mga polisiya at programa patungkol sa pampublikong transportasyon.| uat ni Rey Ferrer