Naglabas ng ilang paalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bumibyaheng commuter ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa LTFRB, dapat na palaging i-monitor ng mga commuter ang lagay ng panahon at alamin ang mga kanseladong biyahe.
Kung wala ring importanteng lakad, mas mainam kung manatili na lang sa bahay.
Kung aalis naman, dapat aniyang siguruhin na fully-charged ang inyong mobile phone o gadgets.
Lagi ring magdala ng payong, kapote, at tsinelas, o kung maaari, magsuot ng bota.
At hanggang maaari, iwasan ang paglusong sa baha at kung di naman maiiwasan, hugasan agad ang paa upang makaiwas sa anumang sakit.
Una na ring naglabas ng “Tsuper Tips” ang LTFRB para sa mas ligtas nilang pamamasada ngayong rainy season. | ulat ni Merry Ann Bastasa