Nagsawa ng Regional Directors’ Conference ang bagong liderato ng Land Transportation Office (LTO) upang pagpulungan ang mga hinaharap na isyu sa transport sector at kung paano ito matutugunan.
Pinangunahan nina LTO Officer-in-Charge (OIC) Assistant Secretary Hector Villacorta at LTO OIC Executive Director Esteban Baltazar Jr. ang dalawang araw na conference na isinagawa sa LTO main headquarters sa Quezon City.
Kabilang sa pinagpulungan dito ang pagrepaso sa kasalukuyang sistema ng Land Transportation Management System (LTMS) upang mas makatulong ito sa mga motorista.
Pinag-usapan din ang usapin ng registration at licensing, Law Enforcement at Traffic Adjudication System, maging ang pagresolba sa mga backlog o pending transactions sa ahensya.
Ayon sa LTO, layon ng naturang conference na makapagpatupad ng mga istratehiya para sa mas epektibong land transportation governance sa buong bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa