LTO VII Director Caindec, pinalitan na sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ng mahigit limang taong panunungkulan bilang Regional Director ng Land Transportation Office VII, tinanggal na sa posisyon si LTO VII Director Victor Caindec.

Sa pahayag na ipinalabas nito sa publiko, sinabi ni Caindec na nagpalabas ng Special Order si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na nagtatalaga kay LTO VII Assitant Regional Director Glen Galario bilang Office-In-charge ng tanggapan.

Sa kanyang pamaaalam sa ahensya, binanggit nito ang ilan sa mga narating ng LTO VII sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Kabilang sa kanyang mga accomplishment ang pagbukas nito ng karagdagang 18 LTO offices sa rehiyon kung saan walang nagastos ang gobyerno.

Nakapagbukas rin ito ng pinakamalaking licensing center sa buong bansa sa SM Seaside City Cebu at pinakamalaking LTO District Office sa Robinson Galleria.

Mahigit 60 mga local government units naman sa Bohol, Cebu at Negros Oriental ang nakinabang sa LTO Mobile Service kung saan dinala ng LTO sa mga malalayong lugar ang kanilang mga serbisyo.

Mahigit 20,000 rin ang nakinabang sa Theoritical Driving Course Scholarship program ng ahensya.

Si Caindec ay appointee ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong December 7, 2017, upang mamahala sana sa LTO Office sa Region IV-B ngunit inilapat sa Region VII noong January 23,2018. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us