Muling tiniyak ng Deparment of Migrant Workers na magkakaroon sila ng maayos na transition sa Department of Foreign Affairs sa paglipat ng ‘Assistance to Nationals’ o ATN sa darating na Hulyo.
Ayon kay Migrant Workers Under Secretary Hans Leo Cacdac, ito’y upang hindi mangamba ang Overseas Filipino Workers na nagtra-trabaho sa iba-ibang panig ng mundo dahil patuloy pa rin ang pag-asiste sa ating mga kababayan kahit na ililipat na sa kanila ang ng DFA ang ATN
Kaugnay nito na magdaragdag pa ng kawani ang DMW upang mas matutukan ang iba pang mga pangangailangan ng mga kababyang OFWs.
Sa huli, muling siniguro ni Cacdac na mas pag-iibayuhin pa ng DMW ang kanilang pag-seserbisyo sa mga bagong bayani ng bayan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio