Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang ganap na pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act (Republic Act 11713).

Ito ay kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas.

Sa ilalim nito ay aayusin ang Teacher Education Council (TEC) para paigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensyang may kinalaman sa teacher education at training.

Kabilang dito ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Professional Regulation Commission (PRC).

Titiyakin nito ang pagkakaugnay ng mga programa sa edukasyon ng guro mula sa pre-service hanggang sa in-service.

Mandato sa TEC na magtakda ng mga pamantayan para sa mga teacher education programs at tiyakin ang malinaw na ugnayan sa pagitan ng mga teacher education programs at professional standards para sa mga guro at school leaders, pananaliksik, at international best practices.

Tungkulin din ng TEC na bumuo ng roadmap para sa teacher education na isusumite sa CHED at gagawing bahagi ng national higher education roadmap.

Gagabayan ng roadmap na ito ang pagdisenyo ng mga angkop, makabago, at malikhaing mga programa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us