Magkaibang prescriptive period sa pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill, pinuna ni Sen. Koko Pimentel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang dalawang magkaibang probisyon sa inaprubahang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill, kaugnay sa prescription ng mga krimen na may kinalaman sa pagpapatakbo ng pondo.

Sa kopya kasi ng inaprubahang panukala, makikita aniya sa Section 50 na ang prescription period ay 10 years habang sa Section 51 ay 20 years.

Sinabi ni Pimentel, na ang pagkakaroon ng dalawang prescriptive periods sa panukala ay maituturing na unique feature nito.

Dagdag pa ng senador, ito ang resulta ng madalian na pagbalangkas ng Maharlika Investment Fund Bill.

Ipinaalala pa ng minority leader, na ipinaubaya niya sa majority bloc ng Senado ang pagbuo ng pinaniniwalaan nilang priority urgent legislation, bagay na kanya namang hindi sinasang-ayunan.

Wala aniya siyang kinalaman sa pagbuo ng final Senate version makaraan niyang i-boycott ang period of amendments.

Dahil dito, ang majority bloc aniya ang dapat na magpaliwanag sa panukala at kung paano nila ipauunawa at i-interpret ang pinal na bersyon ng panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us