Naniniwala si DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na malaki ang ginagampanang papel ng simbahan at civil cociety groups sa pagtugon sa mga hamon ng bansa tungo sa pag-unlad.
Sa kanyang mensahe saassembly ng Samar Island Partnership for Peace and Development o SIPPAD sa Borongan, Eastern Samar, binigyang diin ng kalihim ang pangangailangan ng ‘whole-of-country approach’ hindi lang sa kampanya kontra iligal na droga kundi maging sa kahirapan.
Giit nito, kailangan ang aktibong pagtutulungan ng gobyerno at iba’t ibang sektor ng lipunan tungo sa magandang pamamahala at upang matugunan ang dekada nang mga problema gaya ng local insurgencies, pagkakaiba sa ekonomiya sa MSMEs o Micro, Small and Medium Enterprises at mga kalamidad.
Paliwanag ng kalihim, hindi kakayanin ng gobyerno na mag-isang balikatin ang mga malalaking hamon na ito.
Kasunod nito, hinikayat din ni Abalos ang mga stakeholder na makiisa at makibahagi sa responsibilidad na protektahan at ipreserba ang natural resources ng rehiyon kasabay ng pagtiyak na tutulong ang DILG upang maprotektahan ang kalikasan. | ulat ni Merry Ann Bastasa