Mahigit ₱5-M ilegal na droga nasabat ng PNP sa Bacolod kaninang madaling araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit limang milyong pisong halaga ng ilegal na droga mula sa isang high value drug target sa operasyon sa Bacolod City kaninang madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng Bacolod City police office Station Drug Enforcement Team ang arestadong suspek na si Rene Lapera Jr. alyas Ombap residente ng Barangay Pahanocoy, Bacolod City.

Nakuha sa kanya ang 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱5.4-milyong piso.

Sa ngayon nagpapatuloy ang tactical interrogation na isinasagawa kay alyas Ombap upang matukoy kung sino ang source nito ng ilegal na droga at kung sino-sino pa ang mga koneksyon nito.

Binati naman ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Bacolod City Police Office sa matagumpay ng operasyon at umaasang tuluyang matutuldukan ang pamamamayagpag ng ilegal na droga sa Bacolod City.  | ulat ni Leo Sarne

📸: Bacolod CPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us