Mahigit 10 employer sa Makati na ‘di nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado, sinilbihan ng Notice of Violation ng SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng Notice of Violation ang Social Security System (SSS) laban sa 10 hanggang 12 employer sa Brgy. San Antonio sa Makati City, dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Kabilang sa binigyan ng notice of violation ang isang restaurant na 2017 pa hindi nagre-remit sa SSS kaya’t lumobo na sa mahigit P3 milyong ang kanilang dapat barayan.

Ayon sa SSS-Makati JP Rizal Branch, aabot sa mahigit 15 milyong pisong delinquencies ang kanilang hinahabol mula sa mga nabanggit na employer.

Halos P13 milyong naman dito ay mga itinuturing na unpaid contributions, at mahigit P2 milyong naman ang multa.

Batay sa datos, mahigit 400 empleyado ang apektado dahil sa hindi nabayarang kontribusyon nila sa SSS kung saan, hindi sila nakapag-avail ng short term benefits tulad ng sa pagkakasakit, panganganak at salary loan.

Pagtitiyak naman ni SSS Branch Operations Sector Executive Vice President, Atty. Voltaire Agas, maaari naman nilang tulungan ang mga employer na hindi makapagbabayad ng kontribusyon.

Maaari silang mag-apply sa ilalim ng condonation program, kung saan maaaring mabawasan ang kanilang bayarin at maaari rin silang magbayad sa pamamagitan ng installment. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us