Mahigit 1,000 pamilya na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nahatiran ng malinis na tubig ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa mahigit 1,100 pamilya ang nabigyan ng malinis na tubig sa tulong ng water filtration units ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga apektadong komunidad ng nag-aalburotong Bulkang Mayon.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at bahagi ng ginagawang relief efforts ng pamahalaan.

Kabilang sa mga napagkalooban ng malinis na maiinom na tubig ay mga residente mula sa Munisipalidad ng Sto. Domingo sa Albay.

Ayon sa MMDA, 60 units ng solar water filtration system ang dala ng kanilang grupo para mga lugar at evacuation centers na wala o kulang sa supply ng malinis na tubig.

Matatandaang noong Biyernes dumating sa Albay ang 20-man team ng MMDA na mula sa Public Safety Division ng ahensya.

Mananatili naman ang grupo sa probinsya ng 10 araw para maghatid ng tulong at first-aid kung kinakailangan. | ulat ni Diane Lear

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us