Mahigit 180 PDLs mula sa iba’t ibang penal colonies sa bansa, pinalaya ng BuCor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sabay-sabay na pagpapalaya sa may 183 mga Persons Deprived of Liberty o PDL mula sa iba’t ibang penal colonies ng Bureau of Correction o BuCor sa buong bansa.

Ito ang mga nagpakita ng kagandahang asal at pagsunod sa mga patakaran sa loob ng bilangguan habang binubuno ang kanilang sentensya.

Kaninang umaga, pinangunahan ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang ang isang programa sa New Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa City para sa nasabing okasyon.

Ayon kay Catapang, bahagi ito ng kabuuang 419 na mga napalayang PDL sa buong bansa mula pa nitong Hunyo 1 ng taong 2023.

Kasabay nito, pinangunahan din ng BuCor Chief ang isang send off ceremony para sa may 500 PDL mula sa Correctional Institute for Women na dadalhin sa Iwahig Penal Colony sa palawan na idaraan sa pantalan ng Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us