Mahigit 2,700 aplikante, dumagsa sa 1st Seafarers Jobs Fair 2023 ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa mahigit 2,700 na mga aplikante ang lumahok sa isinasagawang kauna-unahang Seafarers Jobs Fair 2023 ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City, ngayong araw.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng DMW sa mga nagparehistrong aplikante.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarer, kung saan nasa 25 manning agencies ang lumahok at 1,500 na mga trabaho ang maaaring aplayan.

Kabilang dito ang ratings at officer positions sa deck, engine, at catering department ng mga traditional ship at offshore installations.

Mayroon ding trabaho para sa iba’t ibang departamento ng mga cruise ship gaya ng hotel, restaurant, food at beverage, casino, bars, entertainment, housekeeping at iba pa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us