Mahigit 3K benepisyaryo ng mga programa ng DSWD XI, nabigyan ng tulong pinansiyal sa loob lamang ng isang linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 3,822 na mga benepisyaryo ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI ang nabigyan sa loob lamang ng isang linggo mula May 22 hanggang May 26, 2023.

Kabilang sa mga nabigyang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga probinsiya ng Davao de Oro, Davao Oriental at Davao Occidental.

Sa probinsiya ng Davao Oriental at Davao de Oro, umabot sa P12,153,000.00 cash assistance ang ipinagkaloob sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD Davao Region.

Habang mahigit P3-million naman ang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng DSWD XI sa probinsiya ng Davao Occidental.

Ayon sa DSWD XI, magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa mga mamamayan ng rehiyon lalo na sa mga mahihirap na mapaangat ang kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance at iba pang tulong. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us