Mahigit 400 bagong Correction Officers ng BuCor, nagtapos sa pagsasanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 454 na mga bagong Correction Officers ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga nagtapos sa kanilang pagsasanay.

Ayon kay BuCoR Director General Gregorio Pio Catapang, kabilang sa MANDATOS Class 20 – 2022 ang mga nagsipagtapos ngayong araw.

Aniya, sumalang sa 6 na buwang Corrections Basic Recruit Course ang mga nagsipagtapos na itatalaga sa ranggong Correction Officer 1.

Kabilang sa mga sumalang sa recruitment ay pawang mga licensed Teacher, Engineer , Agriculturist, Nurse, Nutritionist at mga Civil Service passer.

Sinabi ni Catapang na isasailalim muli sa re-training ang mga bagong Correction Offcier sa National Bilibid Prison (NBP) bago ideploy sa ibat ibang mga Penal Colony sa bansa.

Pinaalalahanan ni Catapang ang mga bagong Correction Officer na huwag magpapsulsol sa mga tiwaling kawani dahil aminado itong marami pa ring mga natitirang scalawag sa ahensya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us